Thursday, November 25, 2010

Ang edukasyon sa panahon ng mga KASTILA



Noong panahon ng mga Kastila, ang naging mga unang guro ng mga Pilipino ay ang mga misyonerong Kastila. Sa Cebu nagsimula ang pagiging guro ng mga misyonero noong 1565. Kusang-loob nilang tinuruan ang mga mag-aaral na bumasa at sumulat, magkwento at tumugtog ng mga instrumentong pangmusika. Ipinasasaulo sa mga mag-aaral ang mga aralin, bagamat di naman nila nauunawaan ang kanilang sinasabi. Ang paulit-lulit na pagmememorya ay di naibigan ng mga nakararamik. Maging ang dasal ay ipinasasaulo nrin. Labas-pasok sa kanilang tainga ang pagmemorya ng mga dasal na tila sila mga lorong sunod lang nang sunod sa mga misyonero. Kung susundin ang mga unang utos ng hari ng Espanya, ang dapat na unang itinayo nila ay mga paaralang primarya. Di agad ito naisakatuparan ng pangasiwaan. Nagtayo ang mga Kastila ng mga kolehiyo na katumbas ng mataas na paaralan sa ngayon. Ang unang paaralang itinatag ng mga pareng Heswitas para sa mga lalaki ay ang Colegio de Manila noong 1589. Ito ang kolehiyo na kilala ngayon bilang Colegio de San Ignacio, Sunud-sunod nang itinatag ang colegio de San Ildenfonso sa Cebu noong 1595 at ang Colegio de San Jose sa Maynila noong 1601.

Nagtayo rin ng kolehiyo para sa mga babae. Unang itinatag ang Colegio de Santa Potenciana noong 1589. Sinundan ito ng Colegio de Santa Isabel noong 1632 at ang Colegio de Santa Rosa noong 1750. Hindi lamang mga kolehiyo ang itinatag ng mga Kastila kundi maging ang mga beateryo para sa mga babae. Nangunguna ang Beaterio dela ComapaƱa de Jesus noong 1694 at ang Beaterio de Santa Catalina noong 1696.

Ang edukasyon sa panahon ng mga Kastila ay totoong naging makabuluhan. Ito’y dahil sa ang Escuela Pia ay naging unibersidad. Itinatag ito ng mga Heswitas hanggang sa ito’y maging Ateneo de Manial. Hindi lamang iyon, ang Colegio de Santisimo Rosario na itinatag ng ma pareng Dominikano ay siya ngayong kilalang-kilala bilang Universidad ng Santo Tomas.

Nakapagtapos sa dalawang bantog na kolehiyo at unibersidad ang mga Pilipinong kabilang sa Ilustrado o alta-sosyedad ng lipunan. Ang mga Pilipinong ito’y pinanday at hinubog ng mga pareng Hesuwita at Dominikano ay siyang nagbukas sa isipan ng mga Pilipino na gumawa ng hakbang upang makatulong sa kapwa Pilipino. Dahilan sa natutuhan nilang kaalaman ginising nila ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.

Ang mga pareng Misyonero ang una nating guro, at ang mga paaralang kanilang itinatag na siyang pinagmulan ng kaalaman ng mga Pilipino’y siya ring pinagsimulan ng mga Pilipinong nakaunawa sa mga pagsasamantala at pagsikil ng ating mga kalayaan noong panahong iyon.

11 comments:

maimai on August 3, 2011 at 4:05 AM said...

wow what a beautiful music

Anonymous said...

dami kong nalaman na info. salamat

Mark Tibayan said...

'Raming Salamat pareng john, tinulungan mo ako sa HW ko.

Anonymous said...

nice.............

Anonymous said...

thanks naraddagan na nanaman ang aking kaalaman]
very nice thank u so much ...cutietoneth"z

Anonymous said...

ilang baitang meron ang elementarya noon at may mataas na paaralan na ba noon at ilang baitang meron din ito?

Anonymous said...

ang ganda nmn pala eh.. noong panahon ng mga kastila astig ..

Anonymous said...

thanks magagawa ko na din assignment ko sa A.P

Anonymous said...

tnx nakatulonq to !!

Anonymous said...

yes!may report na rin ako super laki ng tulong ni2

Anonymous said...

anung song po yung nagpaplay......... I like it so much and for the article thank you also you save our A.P report hehehe :D

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved