Wednesday, December 16, 2009

Suring Pelikula(CAPTAIN BARBELL(2003)


CAPTAIN BARBELL(2003)



I.Direksyon



Sa direksyon ni mac alejandre. Isa siya sa mga pinakatanyag na director sa mga t.v shows. Isa na rin sa mga binigyang kula’y niyang palabas ay ang “marimar”, stairway to heaven”, “dapat ka bang mahalin” at marami pang iba. Kaya hindi mapapagkailang binigyang buhay nanaman niya ang pelikulang captain barbell noong 2003.



II.Istoryang Pampelikula



Isa pang adaptation ng buhay na buhay superhero ni Mars Ravelo’s.Captain Barbell ay may taong nang galing kay Enteng.Isang araw si Enteng ay nakatanggap ng isang mahiwaga barbell na ibinigay sa pamamagitan ng isang matanda matapos na siya ay naka-mailigtas ang kanyang buhay ng isang matanda. Hindi alam na ang barbell ang maaaring magbigay ng Enteng’s baguhin-kaakuhan Captain Barbell, ang isang bayani para sa dukha at mahirap na tao. Din sa palaging nasapanaginip ang babaeng ni enteng si Cielo, isang guro sa elementarya musika na umibig kay captain barbell. Ang pelikula ay nagsasabi tungkol sa kagitingan, paggalang at pag-ibig


III.Pagganap



Maayos naman at maganda ang paggkakaganap ng mga sumusunod na artista.



Ramon ’Bong’ Revilla Jr. ... Captain BarbellOgie Alcasid ... Enteng Regine Velasquez ... Cielo / Darna



Rufa Mae Quinto ... Freezy / Rosella Albert Martinez ... Lagablab Jeffrey Quizon ... Otoy / Dagampat



Snooky Serna ... Belen Antonio Aquitania Sarah Geronimo ... Sister of Enteng



IV.Sinematograpiya



Anggulo –maayos naman ang mga anggulo ng camera.


Kulay- medyo luma na ang mga kulay na ginamit ngunit ang kanilang kasuotan ay napamakulay


kasuotan – siguro’y napakalaki ng nagastos nila sa pelikulang ito dahil sa costume, nagbigay kulay ang mga costume at ang mga suot nila masasabi kong napakaganda at pinagastusan ang kanilang mga suot


ilaw-medyo madilim ang pagkakakuha sa mga artisa o Malabo.






V.Disenyong Pamproduksyon



Maganda ang disenyong pamproduksyon ng pelikulang ito simpleng simple lang at naging makatotohanan ang pelikula.Medyo pangit nga lang ang mga tagpo nito at halos lahat ay sa siyudad ginawa.



VI.Editing



Maayos naman ang pagkakaedit ngunit maraming dapat baguhin upang lalong mas maging makatotohanan ang mga effects nito. Maayos naman nailahad ng editor ang pelikulang ito.



VII.Musikal Iskoring



Maayos naman ang mga tunog na nilagay o sound effect tumutugma naman ito sa pelikula iyon nga lang medyo luma na ang mga effect na ginamit at kulob ang mga tunog nito.



VIII.Paglapat ng Tunog



Maganda ang mga nilapat na tunog. Tumutugma din ito sa mga arte. Maganda rin ang napili nilang background song nakakaantig. At maganda rin ang pagkakakanta nito.



IX.Buod


May isang lalaki na napakabait na si Enteng (Ogie Alcasid) at may dalawa siyang kapatidna si Mara (Sarah Geronimo) at si Uyot (Goyong ) ,May isa syang kaibigan na si (Antonio Aquitania)Na lagi nyang kasama simula pa ng bata, pa sila. Nang Makita ni Enteng ang teacher ni Mara na si Cielo (Regine Velasquez) ay may nararamdaman na siya kaso lang hindi nya masabi dahil isa lamang siyang hamak najanitor,Kaya hindi niya masabi kay Cielo kaya tinatawag na “Torpe” may na kita si Enteng na Barbell na kinakalawang na at ito ay kanyang binuhat at sinabi niya “Ako ay isang Captain Barbell” at naging Captain Barbell nga si Enteng:Biglang sumulpot si Captain Barbell (Bong Revilla Jr.) Para ipaliwanag nya ang tungkol sa Captain barbell. May malaking bato na nanggaling sa Kalawakan at nang bumagsak ito sa mundo, sumabog ito at kumalat ang mga ito ng kumalat ang mga batonapunta ito sa mga masasamang tao.Ang dami nang natalo ni Enteng o si Captain Barbell. Ang hindi nya alam ang pinaka malakas na nakalaban niya ay ang tatay niya na pinatay ni Lagablab, pagkatapos talunin ni Captain Barbell si Lagablab,nagtapat na si Enteng kay Ms. Cielo na mahalna mahal nya ito at sinagot na ni Ms.Cielo si Enteng.




X. Aral O mensahe


Ang natutuhan ko sa Pelikula ay wag tayong titingin sa panlabas na kaanyuan kundi sa busilak na puso, tulad nila Enteng at Untoy na naging si Dagangpatay. At kailangang lagi tayong tumulong sa mga nangangailangan.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved