Wednesday, December 16, 2009

Suring Pelikula(MAGNIFICO)



“MAGNIFICO”



I. Direksyon


Sa direksyo ni Maryo J. de los Reyes isang batikang director at isa rin sa mga award winning’s at nominado sa iba’t ibang parangal. Maayos at maganda ang pagkakadirek niya sa pelikulang ito. Napakaepektib ng ginawa niya at nagging makatotohanan at sobrang nakakaiyak ang istoryang ito. Kaya masasabi kong isa ito sa pinakamagandang drama na aking napanood. Dahil sa ganda at maayos na kinalabasan ng pelikula ito masasabi kong 5/5 ang direksyon nito.




II. Istoryang Pampelikula
Itinuro sa pamamagitan ng Maryo de los Reyes, Magnifico ay isang sentimental family-oriented melodrama mula sa Pilipinas, na isinulat ni Michiko Yamamoto S. bilang unang gantimpala sa isang scriptwriting contest. Magnifico (Jiro Manio) ay isang bata mula sa mahihirap na bayan ng Lumban, Laguna, na sumusubok na tumulong sa kanyang mga magulang (Albert Martinez at Lorna Tolentino) sa pamamagitan ng pagtataas ng pera upang ibaon ang kanyang lola (Gloria Romero), na ang naghihingalo ng kanser. Samantala, ang kanyang kapatid na mas matanda (Danilo Barrios) loses kanyang scholarship, at ang kanyang kapatid na babae Ellen (Isabel De Leon) suffers mula sa tserebral maparalisa.



III. Pagganap


Jiro Manio
Albert Martinez
Lorna Tolentino
Gloria Romero
Danilo Barrios ;
Cecilia Rodriguez
Isabel de Leon


IV. Sinematograpiya
Odisea Flores
Anggulo- nasa ayos ang mga lent eng kamera nito.
Kulay-ang kulay nito ay napakasimple at napakadramatic.
Kasuotan- angkop ang kanilang mga kasuotan sa tema ng palabas.
Ilaw-medyo madilim ang ilaw nito.




V. Disenyong Pamproduksyon
Disenyong pamproduksyon ay simple at angkop na angkop sa pelikula naging maganda ang kinalabas ng drama ito dahil halos lahat ay bumagay sa tema. Napagukulan din ito ng pansin kaya gumanda ang pelikulang ito dahil din sa set o sa lugar na ginawa ang pelikulang ito.




VI. Editing
Manet Dayrit siya ang nagbigay kula’y sa pelikulang ito simple at maayos ang editing nito. Maayos na nailahad ng editor ang nilalaman ng istoryang ito at napakadramatic ng pelikulang ito. Kung susuriin ang iba pang pelikula ito na ata ang pinaka malungkot na pelikulang Pilipino.



VII. Musikal Iskoring
Maganda at mahusay ang musical iskoring nito bumagay ito sa genre ng pelikula. Si Lutgardo Labad ang naglaga’y ng mga sound effect napakasimple at dramatic ang mga nilagay niyang tunog.




VIII. Paglapat ng Tunog
Maganda ang nilapat na tunog kapag ang bida ay umiiyak naging angkop ang tunog nito at naging nakakaiyak. Ang masasabi ko lang sa tunog nito ay 5/5.


IX. Buod


Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay tinutulungan niya ang mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya tulad ng pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya ay naging malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang lola. May taning na rin ang buhay ng kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol ng kanyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang naghanda ng kasuotan kapag namatay na ang kanyang lola na may taning na ang buhay. Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng kanyang kapatid na babae na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na natanggalan ng iskolarship.
Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno ng kabutihan si Magnifico. Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito ang naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang paghahandang burol para sa kanyang lola ay gimanit para sa kanyang pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang natulungan at nakasama.



X. Aral O mensahe
“Kung ano pa ang iniisip natin na mangyayari iyon pala ang salungat ng nakatadhanang mangyari sa atin”.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved