Thursday, September 17, 2009

Suring Pelikula(ABKD INA)


Pamagat:
ABKD INA

Tauhan
Lorna Tolentino
Albert Martinez
Nida Blanca
Aiza Marquez
Matet De Leon

Istoryang Pampelikula:
Tungkol sa isang ina na hindi nakapag-aral

Pagganap:
Maganda ang pagganap ng mga tauhan sa pelikulang ito at ang pelikulang ito ay kapupulutan din ng aral.

Sinematograpiya:
Cinema Production

Disenyong Pamproduksyon:
Maganda ang pagkakadissenyo ng bawat eksena

Musical Iskoring:
Maganda ang musikang ginamit sa pelikulang ito

Paglalapat ng tunog:
Maganda at maayos ang tunog na ginamit

Buod:
Sa unang eksena ay may isang ina na nagtitinda ng mga kakanin sa paaralang kung saan nag-aaral ang kanyang tatlong anak at dito rin nagtuturo ang kanyang biyanan na ina ng kanyang asawa. Si Mila ay hindi marunong magbasa o sumulat man lamang dahil siya ay hindi nakapag-aral. Si Mila ay palaging sinisirmonan ng kanyang biyenan dahil nga daw sa hindi siya nakapag-aral at dahil dito hindi niya masyadong natuturuan ang kanyang mga anak. Ang kanyang pangalawang anak ay hindi niya malapait sa kanya dahil palagi itong nasa lola niya at ang bunso at panganay naman ay malapit sa ina dahil ang sabi ng kanyang biyenan ay kagaya daw niya ang kanyang panganay na anak na mahina rin. Nang dumating ang kanyang asawa ay kinausap niya ito na bumukod na sila at isama na lang sila sa Maynila pero hindi pumayagang ina ni Albert pero pinilit pa rin ni Albert ang kanyang ina na pumayag ng bumukod sila t pumayag naman ang kanyang ina at ng paalis na ang pamilya ni Mila patungo sa Maynila ay puro bilin ang kanyang naririnig sa kanyang biyenan tungkol sa mga gamot ng mga bata kapag nagkaroon ng lagnat at iba pa. ng sila ay dumating sa Maynila hanggang doon ang kanyang trabaho ay pagtitinda parin ng mga kakanin at dahil sa kanyang pagtitinda ng kakanin ay nakilala siyang isang babae na mabait at mayroon din pala itong anak na babae na nasa nursery pa lamang at sa pinapasukan ng anak ni Mila ay doon din nag-aaral ang anak ng kanyang kaibigan.Isang gabi hindi pa rin umuuwi ang dalawang anak niya at ng dumating ang kanyang asawa ay agad nila itong hinanap at hindi nila ito nakita pero ng umuwi sila ay nakita nila ang dalawang bata na nakuwi na at agad na sinabi kung saan sila nanggaling. Isang hapon umuwi na basang-basa ang anak niyang bunso at inaapoy na ng lagnat kunuha niya ang gamot pero hindi niya alam kung ano sa dalawa ang gamot sa lagnat dahil nawala ang pangalan ng gamot. Isinugot sa hospital ang bata at ang dahlan ng hindi pagbaba ng lagnat ng bata ay dahil sa pagbigay ng maling gamot mabuti na lang at naagapan ang lagnat ng bata. Sila ay bumalik sa bahay ng kanilang lola at si Mila ay hindi nagpakita sa kanyang mga anak dahil nahihiya siya. Nang siya ay nawala ang ginawa niya ay nagbasa siya ng nagbasa ng bibliya at natuto siyang magbasa. Isang araw siya ay pumunta sa paaralan at tiningnan niya ang kanyang anak na bunso na nasa unang baiting pa lamang siya ay nakisali sa pagbabasa ng mga bata at pinaupo naman ng kanyang biyenan sa klase niya si Mila at pagkatapos noon ay nagkasundo na ang mga ito.

4 comments:

Anonymous said...

hi john.. pahiram ng suring pelikula mu ha.. mganda ung kwento kahit d q pa napapanuod.. :)
-rina-

Hope on January 16, 2010 at 10:24 PM said...

pwede ka bang gumawa ng suring pelikula sa Anak??

john enrico comia on November 22, 2010 at 7:22 AM said...

meron ng anak na suring pelikula matagal na,, tngnan mu nlng sa ginwa kong list :D

Anonymous said...

hi kuya john enrico comia !!!!

add nyo naman po ako sa fb pra maging close po tayo .. as in ganito .. haha .. tnx !!
email ko po pala ..
paulynneborja@yahoo.com

post din po kayo sa wall ko ah .. tnx po ulit !!!

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved