Monday, November 22, 2010

Mga Paraan ng Pagkakahulugan


1. Literal

§ tunay at pinakamababang kahulugan

§ hal. Ang tinapay ay pagkain.

2. Konseptwal

§ Ang kahulugan ay ang konsepto, totoong impormasyon

§ Mas detalyado at may siyentipikong pinagbabatayan

§ hal. Ang tinapay ay pinagalihalong harina, asukal, at itlog na minsan ay may palaman.

3. Kontekstwal

§ nalalaman ang kahulugan batay sa paraan ng pagkakagamit ng salita sa pangungusap

§ natutukoy ang kahulugan tulong ng mga context clues

§ hal. Si Hesus ay ang tinapay ng buhay dahil siya ang gumagabay sa mga tao.

4. Proposisyunal

§ Ipinapakita ang kahulugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyon at pagbibigay ng halimbawa

§ hal. Ang tinapay ay ginagamit sa kakulangan ng bigas dahil mas murang umangkat ng harinang ginagamit sa paggawa nito.

5. Pragmatik

§ Ang kahulugan ay batay sa aktwal na karanasan ng naglalarawan sa ideya

§ Ang kahulugan ay ibinibigay batay sa nangyari sa indibidwal

§ hal. Ang aking baong tinapay ay mas masarap dahil may palaman.

6. Matalinhaga

§ Hindi lantad ang kahulugan ng salita

§ hal. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

3 comments:

Anonymous said...

meron po ba kayo ng dalawang uri ng pagkakahulugan ?

pegasus @ sazuke 4 ever said...

salamat po.............sa tulong...

Unknown on December 14, 2013 at 4:57 AM said...

thanks for this :)

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved