Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861–Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Buong pangalan: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
- Jose – galing sa patron saint ni Donya Teodora
- Protacio – feastday ni San Protacio noong pinanganak si Rizal
- Rizal – “recial” – luntiang bukirin
Rizal – iniutos ni Gob. Hen. Francisco na pumili ng isang Spanish word na ilalagay sa pangalan
· Mercado – “merchant” – apelido ni Don Francisco; ninuno: Domingo Lamco (Chinese)
- Alonzo – apelido ni Donya Teodora; ninuno: Eugenio Ursua (Japanese)
- Realonda – galing sa ninang ng nanay ni Rizal
I. KAPANGANAKAN
A. Petsa: Hunyo 19, 1861
B. Lugar: Calamba, Laguna
II. PAMILYA
A. Ama: Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro
B. Ina: Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos
C. Mga Kapatid:
1. Saturnina (1850 – 1913)
2. Paciano (1851 – 1930)
3. Narcisa (1852 – 1939)
4. Olimpia (1855 – 1887)
5. Lucia (1857 – 1919)
6. Maria (1859 – 1945)
7. Concepcion (1862 – 1865)
8. Josefa (1865 – 1945)
9. Trinidad (1868 – 1951)
10. Soledad (1870 – 1929)
III. PAG-AARAL
- Sa bahay
- tatlong taong gulang – ang kanyang ina ang nagging guro niya
- Biñan, Laguna
- siyam na taong gulang – ang kanyang guro ay si Maestro Justiniano Aquino Cruz
- Ateneo Municipal de Manila (1872 – 1877)
- natapos ng Bachilles en Artes
- labing-isang taong gulang nangpumasok – nakatanggap ng pang-unang medalya at pitong sobresaliente.
- Unibersidad ng Santo Tomas (1877 – 1882)
- nag-aral ng Filosofia y Letras.
- nag-aral din ng Medisina ngunit di siya nasiyahan sa pamamaraan ng pagtuturo kaya’t nagtungo sa Europa.
- Unibersidad Central de Madrid (1884 – 1885)
- nag-aral siya rito noong magtungo siya sa Madrid, Espanya
- nagtapos ng Medisina at Pilosopiya
- nag-aral ng Eskultura, Artes, Pagpinta, at lengguwahe
- Paris
- nagtapos ng pagiging okulista
- naglingkod bilang katulong ni Dr. Louis de Weckert; pangunahing optalmolohista siya
- Europa
- nag-aral ng Sining, Etnomolohiya, Kasaysayan, Wika
IV. NAGING PAG-IBIG
© Segunda Katigbak – Pilipina, unang pag-ibig
© Binibining L. – Pilipina – (Jacinto Ibardo Laza)
© Leonor Valenzuela – Pilipina “Orang”; invisible ink
© Leonor Rivera – Pilipina, natatangi sa lahat
© Sei –san – Haponesa (Seiko Usui)
© Consuelo Ortega – Espanyola, taga-Madrid
© Suzanne Jacoby – Belgian, taga-London
© Nellie Bousted – Pranses, nagging sanhi ng muntik nang pakikipagduwelo ni Rizal kay Antonio Luna
© Gertrude Beckett – Ingles (European), Gettie – Pettie
© Josephine Bracken – Irish, pinakasalan ni Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan
V. MGA WIKANG ALAM
Tagalog,( Ilokano, Bisaya, Subanon)
Spanish German Dutch Portugese
Latin Arabic Catalan Swedish
Greek Malaysian Italian Russian
English Hebrew Chinese
French Sanskrit Japanese
VI. MGA KATANGIAN
Poet Athlete Occulist
Writer Sculptor Lover
Educator Novelist Engineer
Historian Inventor Surveyor
Painter Farmer Musician
Politician Philosopher Economist
Linguist Dramatist Scientist
Doctor Businessman Martyr
Polyglot
VII. MGA MAHAHALAGANG AKDA
A. Noli Me Tangere
Inspirasyon:
a. Circulo Hispano Filipino – hinangad ni Rizal na makasulat siya at ang mga kasama niya ng isang aklat tungkol sa iba’t ibang mukha ng buhay sa Pilipinas
b. Wandering Jew – hinangaan niya ang nobelang ito
c. Uncle Tom’s Cabin – nadama niya ang pagkaalipin ng mga Negro sa Amerika
B. El Filibusterismo
- karugtong ng Noli Me Tangere
C. Mi Ultimo Adios
- sinulat niya bago mamatay
VIII. MGA SAGISAG-PANULAT
Dimasalang – (Dimas-alang), Noli Me Tangere
Laong-Laan – Diariong Tagalog; “Amor Patrio”
Padre Jacinto
IX. KAMATAYAN
Petsa: Disyembre 30, 1896, 7:03 ng umaga
Lugar: Bagumbayan (Luneta)
Sanhi: “Firing Squad”
Huling Kataga: “Consummatum Est” (Naganap na)
MAHAHALAGANG TALA
1. Padre Pedro Casanas – ninong ni Rizal sa binyag
2. Padre Rufino Collantes – paring nagbinyag kay Rizal
3. Gob. Eulogio Despujol – nagpatapon kay Rizal sa Dapitan, Zamboanga
4. Gob. Camilo de Polavieja – lumagda sa kamatayan ni Rizal
5. Gob. Ramon Blanco – nagpahintulot kay Rizal na manggamot sa Cuba
6. Gob. Narciso Claveria – nagbigay ng utos na ang mga Pilipino ay kailangang mamili ng panibagong apelyidong Kastila
7. Luis Andrade – manananggol ni Rizal
8. Jose Andrade – “bodyguard” ni Rizal sa Fort Santiago
9. Lakandula – Hari ng Tondo, ninuno ni Rizal sa panig ng ina
10. Padre Vicente Balaquer – nagkasal kay Josephine Bracken at Rizal
11. The Imitation of Christ – huling alaala ni RIzal sa kanyang asawa
12. George Tauffer – bulag na Amerikanong ama- amahan ni Josephine Bracken
13. Pascual Poblete – utang na loob sa kanya ang pagkakaroon ng bantayog ni Rizal
14. Vicente Sotto – nagpatayo ng bantayog ni Rizal at may akda ng Batas Blg. 229
15. Vicente Abad – Pilipinong napangasawa ni Josephine Bracken
16. Charles Henry Kipping – ang inhenyerong Ingles na napangasawa ni Leonor Rivera
17. Ricial – salitang Kastila na pinaghanguan ng pangalan ni Rizal na ang kahulugan ay “green field” o “new pasture”
MAHAHALAGANG TALA
1. Enero 20, 1872 – nagsimula ang pag-aalsa ng Kabite
2. Pebrero 17, 1872 – ginarote ang tatlong pari sa Bagumbayan
3. Francisco Saldua – sumaksi laban sa tatlong pari dahil sa binayaran
4. Jose Arrieta – ang manananggol ng 3 pari na nagsinungaling at sinabing patawarin na lamang ang mga nasasakdal sapagkat umamin na sa kanilang pagkakasala
5. Gob. Rafael Izquierdo – ang lumagda sa kamatayan ng tatlong pari
6. Gomburza – “password” ng Katipunan
7. Arsobispo Gregorio Meliton Martinez – tumangging alisan ang tatlong pari ng abito at iniutos na patugtugin ang mga agunyas
8. Bagumbayan – lugar kung saan ginarote ang 3 pari
| Rizal’s Version | Zaide’s Version |
Mariano Gomez | 85 yrs. Old | 73 yrs. Old |
Jose Burgos | 30 yrs. Old | 35 yrs. Old |
Jacinto Zamora | 35 yrs. Old | 37 yrs. Old |
Kailan Ginarote | Pebrero 28, 1872 | Pebrero 17, 1872 |
63 comments:
awsome!!!!
ang haba.
galing naman :))
hanep!
d nga
galing maraming salamat
nice one
ang galing naman
Clap clap! :')
wow** your such a genius***
ang ganda naman ng ginawa mo...
thank you ng marami
totoo b yan.
gling talaga ng ating bayani.. pahalagahan at alalahanin natin ang naging sakripisyo niya para sa bayan... :)
pa kantot nga tirahin moko ahhhhhh....
dilaan mo tinggil ko at subo ko titi mo!
ang galing naman hanep
wow nakaka lula ah............. ang haba......? ang galing""""""'
kulang pa impormasyon... kailan siya pinatapon sa dapitan? ano ang naging buhay niya roon? bakit nakatingin si rizal sa silangan noong binaril siya? ano pangalan ng aso nya? hehehe
grabeh tlaga
wewwwhhh.complete!!!!!
ganda sana kaso japanese ung background music :)
salamat sayo!
ganda naman!
haha.. sino may ari nito/?
awesome ... very nice !! the details almost complete
Haba nmn!Dami 2loy pinaprint q!^^
super ganda maraming salamat!
salamat dahil nagawa ko ang ass.
Grabe sana ganyan din ako kagaling....
Ang galing ng pagkaka-compile. Very useful. Salamat. :)
kulang kulang yung mga pag ibig ni rizal
Gayahin ang yapak ni Rizal.. Chickboy
WOW!!! Rizal is very brilliant !!
I do bow my head for him,,i salute him as well.
WOw.. grabe Halos lahat ng ifo. about Dr.Jose rizal is here. nice!
wew lupet lahat nandi2
wow tnx dahil sayo nagawa ko assignment ko haha maraming salamat
Thank you :)
THANKS.>>
great! do you have the summary of el fili and noli me tangere? -mademoiselle shyne. :)
Una niyang pinasukan San Juan de Letran (Hunyo 10,1872
wow ! Thanks dito .. napaka ganda .. sana naabutan natin si rizal ! HE IS REALLY A HERO .! RIZAL is the best . nice song :)
haha. thanks
good job
tnx alot.. :)
Thank You for having this kind of compilation.. Hoping that you will make a lot of blogs about different things. :) It helps a lot especially to those students that doesn't have a reference like me.. Thank You.. :)
Thank you Bro this is so awesome!!! this is what im looking for..!! =)
-RoYpItZ
Thank You so much! This is what I am looking for... :)
sobrang kompleto t.y.
Antaas
antaas pero .. maramimg salamat
nice compilation and thanks for this!! finally found what i was looking for :))
galing parang c sir gajilan ang
I LOVE YOU!!!!!!!!GALING MO!!!!
lahat na tungkol kay rizal ay nandito na siguro
AWSOME :))
http://tl.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal
copy paste? next time, please take note of your sources.
kulang pa hehe di nakaindicate ang mga naging guro nya bago sya pumunta ng binan, sino ang mga tiyuhin na nakaimpluensya sa kanya at mga anekdota ni rizal
ang galing lking tulong ahhahahaha
thank you! ang galing mo. kumpleto.
thank you! ang galing mo. kumpleto
oo nga ehhh astig san mhu nakuha?????
Idol ko si Rizal :)
thanks much ..its so complete.hanep
Thx dude.. Nkapag review ako dahil dito..
This is so useful! Thanks for posting this! :) You just saved me from my quiz.
Post a Comment