Wednesday, November 24, 2010
Sa Aking mga Kabata
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
hirap mag kabisado....
maganda ang hangarin ng site na to daming natutulungan na estudyante..........nice job....:)
keep it up...
nice . nandito pala lahat ng mga lessons na tatalakayin sa filipino 3rd year ! thanks po ! :) god bless !
thanks p0h!!
:)
thanks po pilipinas kay ganda....!!coz of you i dont need to look for hamaka book.......t.y JURRASIC
grabe andito na pala lahat ng lessons namin...!!!go JURASSIC JR.
sana kasali ang mga pasasagutan sa lesson na yan
Post a Comment