Sunday, November 21, 2010

Feng Shui



I. Direksyon

Chito S. Roño isang batikang director at isang magaling na manunulat. Marami na rin siyang napanalunan na awards katulad na lamang ng “Special Jury Award” sa pelikulang bata bata paano ka ginawa at ang “Netpac Award - Special Mention” sa pelikulang Dekada '70. Ang masasabi ko sa paganap ng director ay maayos naman at nagampanan niya ang kanyang pagiging director sa pelikulang Feng Shui. Siguro magaling siyang director dahil maganda ang kanyang ginawang pelikula at siguro marami na siyang nagawang magagandang pelikula.


II. Istoryang Pelikula
Ang istoryang pampelikula ng Feng Shui ay isang pelikula na tungkol sa Bagua na napulot ng isang babae na nagdulot ng swerte sa kanila pero ang kapalit ay buhay ng isang tao kapag tumitingin ito sa salamin ng Bagua.


III. Pagganap
Ang masasabi ko sa pagganap ng mga artista ay magagaling sila at mahuhusay silang umakting at nagampanan naman nila ang kanilang pagiging artista sa pelikulang Feng Shui.

1.Kris Aquino – bilang Joy Ramirez
2.Jay Manalo – bilang Inton Ramirez
3.Lotlot de Leon – bilang si Alice
4.Jenny Miller – bilang si Dina
5.Cherry Pie Picache – bilang si Lily Mendoza
6.Thelma – bilang Manghuhula
7.Denton – anak ni Joy
8.Ingrid – anak ni Joy
9.Billy – kapitbahay at kaibigan ni Denton
10.Mang Nestor – Tricycle driver
11.Evart Mendoza – asawa ni Lily Mendoza



V. Editing
Sa palagay ko wala naman dapat dagdagan o tanggalin sa mga eksena sa pelikula dahil ang lahat ng eksena sa pelikulang Feng Shui ay angkop naman at nababagay ito bawat eksenang pinapalabas.



VI. Musical Iskoring
Ang masasabi ko sa musical iskoring ng pelikula ay akmang-akma ito sa bawat pangyayari na nagaganap sa pelikula at maganda ang pagkakalapat ng musika nito.



VII. Paglalapat ng tunog:
Ang masasabi ko sa paglalapat ng tunog ng pelikulang Feng Shui ay eksakto ito sa bawat eksena na kailangang ang tunog. Nagingmaganda ang bawat eksena sa pelikula dahil eksakto ito sa paglalapat ng tunog.


VIII. Buod:
May isang babae na ang pangalan ay Joy. Nang nakasakay siya sa isang bus na kung tawagin ay Rabbit Lines naka-sakay niya ang isang lalaki na may dala-dalang gamit na nakabalot sa diyaryo. Nang huminto ang bus biglang bumaba ang lalaking nakasakay niya. May naiwan itong isang bagay. Kinuha niya ito at hinabol ang may-ari ngunit hindi na niya ito naabutan. Nang binuksan niya ito nakita niya ang isang salamin na kung tawagin ay isang pagua. Pagbaba niya ng bus ay nasa Maynila na siya. Sumakay siya kay Mang Nestor ang tricycle driver, pagdating niya sa bahay nila pinagsabihan niya ang kanyang mga anak dahil nag-aaway ang mga ito. Kumain sila ng hapunan kasama si Billy ang kapitbahay na bata. Kinabukasan sinamahan siya ni Alice sa opisina upang bigyan ng trabaho. Pinakilala si Joy sa mga nagtatrabaho sa opisina. Pagkaalis sa opisina sinundo niya ang kanyang mga anak sa bahay ng kanilang Lola para umuwi na. pagdating nila sa bahay nila ay walang kuryente at nakita ni Joy ang isang guardiya na nagchechecking sa loob dahil nakita ng guardiya na buhay ang ilaw pero paglapit niya ay biglang namatay. Dumating ang daddy nina Denton at Ingrid, at natuwa sila dahil na promote sa trabaho.Nagpasama si Denton sa kanyang daddy upang kuhain ang bola na bigla na lang nawala. Nang umaga na tinulungan siya ni Alice upang ilipat ang bagua sa matibay na part eng bahay, at nagkwentuhan sila. Namili si Joy ng pagkain sa isang upper market at mayroong babe na pinipilit siyang sumali sa promo dahil baka manalo siya, kaya sumali siya. Si Billy at Denton ay kinakausap ang multo para ilabas ang bola. Dinalaw ni Joy ang matanda na nagtitinda ng pandesal dahil namatay siya sa kagat ng daga, nalaman ni Joy na kung anong year ang birthday mo yuon din ang papatay sa iyo. Pag-uwi niya sa bahay, sinundo niya ang kanyang mga anak sa bahay nina Billy. Pag-uwi nila ay nagusap sila ng asawa niya. Pinatulog na niya ang kanyang mga anak. Nang umaga na sinundo siya ng kaibigan ni Mang Nestor papuntang opisina dahil wala pa si Mang Nestor. Nang nasa opisina na si Joy ay biglang nakita niya si Inton na kasama si Dina ang kabit niya. Nagpahula si Joy sa kaibigan niyang si Thelma kung minamalas nab a siya.Umuwi na siya sa bahay at walang tao. Tinawagan niya ang kanyang nanay kung ayos ba ang kanyang mga anak at sinabing tulog na. parang may napansin si Joy na may dumaan at pagbukas niya ng pinto dumating si Billy at niyaya si Joy na pumunta sa bahay nila dahil wala siyang kasama. Nakakita sila ng multo at humingi sila ng tulong. May tumawag sa kanya sa telepono at nanalo daw siya sa promo na sinalihan niya. Kinabukasan pinuntahan niya si Lily Mendoza upang malaman ang tungkol sa bagua, sinabi na lahat ng titingin dito ay mamamatay at sinabi ni Lily Mendoza na isauli sa kanya ang bagua, babayaran siya nito kahit magkano pero hindi siya pumayag. Lahat nang namamatay ay pumapasok sa bahay nila ang kaluluwa. Namatayang kaibigan niyang si Alice, nahulog siya sa bintana dahil hinahabol siya sa loob ng bahay ng isang lasing na naipit niya sa pinto. Tinawagan sila ng matanda na bihasa sa mga libro ng hapon at sinabi kung paano malalabanan ang sumpa ni Lotus Feet pero huli na dahil namatay na ang kanyang asawa dahil binaril ni Louie ang asawa ni Dina. Namatay na rin ang kanyang mga anak at si Thelma dahil nabunggo. Isang araw may inaalok sa kanya ang isang abugado na isang pera na nagkakahalagang sampung milyon at tinanggihan niya upang mabasag niya ang bagua at nabasag niya. Sa bandang huli nakita niya ang buong pamilya niya na patay na at multo na rin.

1 comments:

john said...

maraming maraming salamat po talga sobra sobra

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved