Wednesday, November 24, 2010

BUOD NG LUHA NG BUWAYA



(Amando V. Hernandez)

Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superindente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manupang pansamatalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestro Putin. Dinalaw ni Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan at magpalipad hangin ukol sa kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na may pabatares sa pagapas kinabukasan si Mang Pablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga manggagapas kait na lumabas si Donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit sa kasama si Donya Lena.

Nang ipaghanda sa bahay – asyenda ang dalawang anak ni Donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasasangkutan ni Andres, isang iskuwater na nakita sa pook na tinaguriang tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sapagkat natandaang Sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapo ang digmaan si Andres at ang kanyang mag-ina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.

Nakilala nang lubusan ni Badong si Andres nang ipinasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Badong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook na mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Badong.

Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mga magsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang mga saka.

Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Administration. Nangalap sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.

Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ibedensiya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di Donya Leona ang alkalde na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng asawang Grande.

Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib sa tulong ng Badong sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.

Sa isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na pinakamatandang tao sa nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inern na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit ng mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni Donya ang mga aring lupa nito bago namatay . Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande.

Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Badong. Si Dislaw na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating Sa Sampilong.

Noong sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Disla si Pina, mabuti na lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Disla. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw.

Sa gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Badong.

Nahuli si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda. Dahilan sa kahihiyang tinamo , hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit at alta presyon at naging paralisado nang maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.

Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ang mga bata.

Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakanditato pang alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.

36 comments:

Anonymous said...

salamat

Anonymous said...

bitin naman!!! ito na ba yun?
sige na nga.. thanx na din ...
bleshu :D

Anonymous said...

its so ganda

Anonymous said...

Tnx talaga

Anonymous said...

teka..
galing to sa libro ah..
anyway.. thanks sa info!!!

Anonymous said...

bkit ndi poh cia ung pinakabuod kc poh ung sa libro nmin gnito poh ung kwento so ndi pa poh cia totally na nkabuod...pacencia na poh....

Anonymous said...

Salamat po :)))

Anonymous said...

ang ganda naman poh w/ music pa .. thanks 4 the effort :)

Anonymous said...

salamat

Anonymous said...

ahpf , , , ano po vah ang makukuha na aral sa nobelang ito? ? ?

Anonymous said...

lamat :))

Anonymous said...

yan lahat ng topic namin maraming salamat talaga sa site na to

Anonymous said...

salamat ha.. matatapos narin ang project ko.. thanks :))

Anonymous said...

meron kaming batikan nasa libro namin ito for third year level only...........

Anonymous said...

tnx .. po .. :)

Anonymous said...

ito na po ba yung kumpletong buod nya?bakit parang kulang at bitin po? favor naman po, paki send naman po sa emeil ko yung kumpletong buod nya...thank you so much! daisypdayon@yahoo.com

Anonymous said...

salamat

Anonymous said...

tnx.

Anonymous said...

t.y

Anonymous said...

eto na po ba ung buong buod ng luha ng buwaya???

Abby said...

thank you po dito :)
its a big help for my project !
take care po always :)

Anonymous said...

maraming salamat! super kelangan ko to :))

Anonymous said...

nice background music...Thanks for the summary!

Anonymous said...

Thank you so much! -ryle =)

junard said...

sana poh may aral din

Anonymous said...

AW

Anonymous said...

BOBO KAYO MGA TAO BOBO BOBO BOBO.

Anonymous said...

meron po bang ung buong kopya?

Anonymous said...

plsssssssssssssss...

tanga ka naman said...

MAS BOBO KA TANGA KAAAA

Anonymous said...

salamat ng marami wala kasi akong book pero nabasa ko pareho talaga....t..y

Anonymous said...

parepareho lang kayo maga BOBO

Anonymous said...

nag iinarte ka pa nag computer ka pa kung meron naman pala sa libro cge try mong maghanap HIYANG HIYA NAMAN AKO SAYO.

Anonymous said...

ANONG LAMAT ANO KA IGOROT NA NGONGO

Anonymous said...

INDE YAN NA PO UNG BUOD NG LUHA NG MATSING

Anonymous said...

haha

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved