Angel of mine
I.Direksyon
Direksyon ang kwentong ito ay idinerek ni gina alajar. Si alajar na syang director ng pelikula ang naghatid sa amin ngmensahe ng kwento sa pamamagitan ng lenggwahen filipinong kanyang ginamit sa kwent. At sa bawat tagpo o eksenang naroon sa kwento, masasabi kong naging maayos ang mga ito dahil nakita kong mayroon namang kaisahan ang bawat eksena o tagpo. ,ula sa pagiging aktres ni alajar, napasin ko na may potensyal talaga siya sa pagiging director dahil naging maayos ang paglalarawan ng mga actor/aktres sa kanilang karakter.
II.Istoryang pampelikula/iskrip
Nasubaybayan ko nang mabuti at maayos ang pelikula dahil nakatulong ang mga dayalogo at usapan ng mga karakter upang maintindihan ko ang buong kwento kasama na roon ang mga problema na darating na kailangan nilang solusyunan. Makatotohanan din ang mga dayalogo ng mga tauhan sapagkat makatotohanan din ang kwento. Possible itong mangyari sa totoong buhay. Wala rin akong napansing mga eksaheradong mga linya. Medyo naging madrama nga lang at talagang napaluha ako sa isang eksena sa pagitan ni angie at ng kanyang ina-nung iiwan niya dapat si gelay doon. Talagang nadala ako sa eksena.
III.Pagganap
Sa pagganap naman, nabigyang-buhay ng mga actor/aktres ang katauhang ng kanilang mga karakter nang maayos dahil naipakita nila ang tamang emosyon na dapat nilang taglayin sa bawat sitwasyon at ang mga saloobin na magbabase sa kanilang katauhan mismo.
Narito ang ngalan ngamga tauhan at ang mga actor/aktres na gumanap.
a.Angie (angel locsin) isang ahente ng isang kompanya
b.Gelay (Eunice lagusad) anak ni yayan senyang
c.Nanay ni angie (pinky Amador) kabit ng isang colonel;Adik sa alak
d.Senyang (malou de guzman) yaya ni angie
e.Emma (aiza marquez) kaibigan ni angie sa trabaho
f.Katcho (ketchup uesebio)
g.kasamahan ni angie
IV.Sinematograpiya
Sa pagsusuri ng elementong ito ng pelikula, masasabi kong nakatulong ng malaki ang aking mga mata na sumunod din sa galaw ng kamera. Sa unang eksena ng angel of mine kung san madilim, puro putukan ng baril, at mabilis ang daloy ng mga pangyayari, medyonahirapan akongmakuha ang eksenang itoo dahil nga sa mabilis ding mga pangyayari na sinundan ng kamera. Nakatulong ng malaki ang dayalogo hanggang sa makatapos ako ng panonood.
V.Disenyong pamproduksyon
At para naman dito, halos lahat ng mga kagamitan, mga tanawin,set, at ang panahon ay angkop sa kwento at syempre sa mga tauhan. Napansin ko na ang mga kagamitang ginamit ay halos puro makabago. May mga computer, baril, mga kotse , van at amga motorsiklo, may mga cellphone na ring makikita sa kwento. At ang mga tanawin ay mababago din.. may mge gusali, opisina, mga daang sementado, may mga magagarang bahay sa subdibisyon. Wala ng makalumang mga kagamitan at tanawin dahil para na rin umangkop talaga sa kwento.. dahil ang kwento ay nangyari sa makabagong panahon.
VI.Paglalapat Ng Tunog/musilkal iskorong
Naging malinaw naman ang lahat lalo na ang dating ng mga dayalogo ng bawat karakter sa aming mga pandinig. Hindi nauna o nahuli ang mga dayalogo sa pagkabuka ng kanilang bibig.. kundi talagang tamang-tama lang at gayundin naman ang mga naangkop na tunog sa bawat eksena.. tamang tama lang ang oras ng pagpapatunog nito sa oras na kailangan ng ganoong tunog sa pelikula. Halimbawa lang ay ang sunod sunod na putok ng baril na narig naming lahat nang kailangan na sa eksena ang ganoong mga tunog. At syempre, lahat naman siguro ng pelikula may kaakibat na musika. Di man siguro mismo ang mga karakter ang kumakanta pero may tinatawag background music sa ilang eksena sa pelikula. Sa angel of mine sa hulihan lang ng kwento o nasa abandang patapos na nang makarinig ako ng background music na medyo malumanay ang daloy ng mga nota. Medyo nakakatuwa kasi na nakakaiyak kasi ang eksena.
VII.Editing
Habang pinapanood ko ang pelikula ay naaliw ako dahil maganda ang pagkakasunod ng mga eksena sa pelikula at sa aking palagay ay nagawa ang editor ang kanyang trabaho ng maayos.
VIII.Banghay
a.Sa unang eksena, makikita na nasa misyon sina angie at katcko ngunit palpak sila
b.Dadalaw si yaya senyang kay angie at ibinilin ang kanyang anak na si gelay
c.Isang araw , si angre ay magiging na lang dahil sa isang banta sa kanyang buhay na matatangap niya dahil sa isang banta na matatanggap niya sa kanyang cellphone.
d.Magagalit si angie kay Gelay dahil makikita niya na pinakialaman nito ang mga litrato ng kanyang yumaong itay.
e.Makalipas ang ilang araw mababsa niya sa dyaryo na namatay na ang nanay nanayan ni gelay.
f.Pinilit niyang itago ang katotohanan sa bata nginit nalaman din ng bata ito.dahil sa sama ng loob ay naglayas si gelay.
g.Makalipas ang ilang araw ay muli itong bumalik at inamin na ni angie ang katotohanan na siya ang tuany na ian ni gelay.
h.Natanggap naman ito ni gelay dahil napamahal na si gelay kay angie.
IX.ARAl O Mensahe
“Wag tayong matakot humarap sa ating mga responsibilidad”
1 comments:
please....lagyan nyo ng buod please
Post a Comment