Wednesday, December 16, 2009

Suring Basa(Huling Kahilingan)


HULING KAHILINGAN

I. Pagkilala sa may-akda

Benjamin Pascual — Pinarangalan ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature para sa akdang Huling Kahilingan”.

II. Uri ng Panitikan

Dula — uri ng akda na nagsimula sa tula o sa tuluyang pangungusap na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang tumutupad upang itanghal sa dulaan.

III. Layunin ng may-akda

Upang iparating na may mga lihim na dapat maging lihim.

IV. Tema / Paksa ng may-akda

Tungkol ang akda sa huling kahilingan ng isang taong bago mamayapa na tinupad naman ng mga kaibigan niya.

V. Mga tauhan / Karakter sa akda

Dely-utusan ni Mrs. Saldaña.

Aling Marta-Ina ni Sally.

Mrs. Saldaña-May ari ng bahay at pitong babae.

Remy-Ang matalik na kaibigan ni Sally.

Josie -Ang pinakamaganda at mistisa sa lahat.

Lulu Edna Luz

Prosy Myrna

VI. Tag-puan / Panahon

Sa sala ng isang may kalakihang bahay na isang lugar na sakop ng Pasay. Magdadapit hapon.

VII. Nilalaman / Balangkas ng pangyayari

Ayos lang ang pagkasulat. Naaayon sa bawat kilos at pag binasa mo para ka na ring nanonood ng totoong dula. Ang damdami’t at kilos ay pinahahalaghan ng sumulat.

VIII. Mga kaisipan o Ideya ng akda

Mag lihim na dapat manatiling lihim lalo’t kung nasasangkot dito’y buhay at karangalan ng isang ligaw na kaluluwang biktima ng mapaglarong lipunan.

IX. Istilo ng pagkasulat ng akda

May kalalirnan ang rnga salitang ginamit.Minsan lang burnanggit ng salitang banyaga.

X. Buod

Lumuwas ng Maynila ang ina ni Sally na si Aling Marta upang masilayan man lang ang nasira niyang anak. Sa kasamaang palad, nahuli siya ng dating, nilibing na Si Sally. Akala kasi ni Mrs. Saldaña hindi na ito makararating dahil may alagain ito. Ang ama ni Sally na kakatapos lang maoperahan gamit ang perang pinagkaipun-ipunan pa ni Sally nung siya’y nabubuhay pa. dumating na sila ni Mrs. Saldaña at ang pitong babae. Pinakalala ni Mrs. Saldaña ang pitong babae. Si Prosy bilang Sekretarya sa isang opisina sa Maynila. Si Remy at Myrna na namamasukan sa pabrika. Si Josie ay sa botika. Sina Lulu at Edna ay mga estudyante na nag-aaral ng medesina. At Si Luz bilang katulong ng dentista. Si Sally lingid sa kaalaman ng ina na ni magsulsi ay di marunong ay isang mananahi. Ikinuwento ni Mrs. Saldaña ang aksidenteng kinamatayan ni Sally. Umano’y kagagaling lang nila sa simbahan. Nakasakay sila sa dyip. Si Mrs. Saldaña at Josie ang nasa harapan at nasa loob naman sina Josie at Luz. Sa bilis ng takbo nila at sa biglang pagliko nahulog Si Sally. At di na rin ito nakaiwas sa parating na bus kaya’t sya ay nasagasaan at tinakbuhan. Di napigilan ni Aling Martang mapaiyak. Kinabukasan habang sina Mrs. Saldaña at aling Marta ay dumalaw sa puntod ni Sally sa La Loma. Ang pitong babae ay nasa sala naman.

Nung dumating ang dalawa nag-usap ang mga ito. Sinabi ni Aling Marta na kung maaari’y dalin niya ang mga damit ni Sally. Pumayag si Mrs. Saldaña tutal anak nya naman iyon at yun lang ang naiwang ala-ala ni Sally. Dumating ang oras na aalis na si Aling Marta. Ipahahatid na lang sya kay Prosy sa Erport. Dahil nagpareserba na si Mrs. Saldaña ng tiket. Nagbigay ang mga babae ng konting halaga kay Aling Marta na pinag-ambagan nila. May inabot ding pera si Mrs. Saldaña galing daw patahian na pinapasukan ni Sally. Umalis na nga si Aling Marta at inihatid Siya ni Prosy. Pagkaalis ng dalawa, sinabi agad ni Mrs. Saldaña sa anim na babae na sila’y magsipaggayak na’t mag-ayos. Maya-maya daw ay may darating na bisita sila palay mga prostitute at inilihim nila ito sa ina ni Sally. lyon ang huling kahilingan ni Sally bago sya mamayapa, ang itago ang marumi nyang pagkatao.

9 comments:

Anonymous said...

an lUpet netOh ! ehheh nagamit na sa proj . copy paste solve

Anonymous said...

Ahahahah... Nc one edison Huli K balbon... :))
BTW THanks for the help

Anonymous said...

w0w.. Pr0ject !! :)

Anonymous said...

aa

Anonymous said...

ang ganda ng mensahe ng dulang ito,, thumbs up!!!

Anonymous said...

saan makakakita ng dula nito???

Anonymous said...

san po yung copy ng dula.. d q mahanap sa net

Anonymous said...

may project na ako yeheyyyyyyyyyyyy

Anonymous said...

aa ee ii oo uu

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved