Thursday, November 25, 2010

ANG KALAKALANG GALYON



Kapag pinag-usapan ang kasaysayan ng pangkabuhayan ng Pilipinas, kailanma’y di malilimutan ng mga Pilipino ang Kalakalang Galyon. Ang Kalakalang Galyon na kilala rin bilang Kalakalang Acapulco ay naganap mula ika-17 dantaon hanggang ika-19 na dantaon. Maraming kapakinabangan ang nakamit mula sa kalakalang ito na nilahukan ng mga Kastila. Naganap ang pagluluwas ng mga produkto sa Mexico at pagpapadala ng mga ito sa Pilipinas.

Ang Kalakalang Galyon ay naging monopolyong kalakalan na ang nangasiwa ay ang pamahalaan. Ito ay bilang pagsunod sa utos ng hari ng Espanya. Ang kautusang ito’y isinagawa upang protektahan ang mga mangangalakal na Kastila sa Cadiz at Seville na humina ang negosyo nang mga panahong iton. Mula 1583 yaon lamang mga sasakyang-dagat ang makapagdadala ng mga produkto sa Pilipinas patungong Mexico at pabalik sa Pilipinas. Nagtakda pa ang kota na halagang P250,000 ang mga produktong mailuluwas ng mga mangangalakal sa Acapulco, Mexico. Yaon namang mga produktong maipapasok sa Mexico ay pinatwan ng taripa. Ang mga produktong maaaring ipadala sa Maynila mula sa Mexico ay nagkakahalaga ng P500,000.

Sa ganitong patakaran, napayaman nang husto ang mga prayle sa pangangalakal. Naakit sila nang husto sa nakukuhang pakinabang sa Kalakalang Galyon kung kaya’t minabuti nilang manatili sa Maynila at iniwan ang kanilang gawain sa lalawigan. Nakilahok na lamang sila sa Kalakalang Galyon kung kaya’t napabayaan nila ang kani-kanilang tungkulin. Nakatulong ang mga prayleng Kastila sa pakikipagkala-kalan nang panahong iyon. Hindi ito nagbigay ng magandang imahe sa tunay nna tungkulin nila sa pagpapalaganap ng pananampalataya. Bunga tuloy nito ay nakilahok din ang mga biyuda at ulila ng mga namatay na opisyales ng pamahalaan.

Hindi lamang mga produkto ang paroo’t paritong iniluluwas sa Maynila at ACAPULCO. Maging ang tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas na tinatawag na situado real o tulong na royal ay dala-dala rin nito. Hindi kasi makasapat na matustusan ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas ang mga gugulin sa pagpapatakbo nito. Taun-taon, dalawang daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng Pilipinas bilang situado real. Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga pinuno at kawal na Kastila mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong 1565 hangggang 1821.

Nangailangan ng malaking halaga bilang puhunan ang nais makilahok sa kalakalang galyon. Dahil dito ay napilitan ang mga mangangalakal na mangutang sa Obras Pias. Ang halagang naipon ng Obras Pias na nakalaan na mangutang sana sa kawanggawa ay naipautang sa mga mangangalakal. Pinatungan ito ng malaking interes o tubo. Yaong nangutang sa Obras Pias ay mga kalahok sa kalakalang galyon. Naubos ang pondo ng Obras Pias dahil di nakabayad ang mga nangutang bunga ng pagkalugi ng mga ito.

Ang panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Basco, napangalagaan niya ang kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas. Itinatag ang Sociodad Economica de Amigos del Pias o Samahang Pangkabuhayan ng mga Kaibigan ng Bayan noong Mayo 6, 1781.

24 comments:

Anonymous said...

asan ba ung trivia niyan

Anonymous said...

i love this website

john enrico comia on January 24, 2011 at 9:44 AM said...

salamat ^^

Cecil Estrera on June 21, 2011 at 2:48 AM said...

marami pong salamat.nagawa ko report ko.

Cecil Estrera on June 21, 2011 at 2:51 AM said...

hindi po ako ang may email nito nakihiram lang

Rose on July 6, 2011 at 6:10 AM said...

nice po

Rose on July 6, 2011 at 6:12 AM said...

Tanong lang po. Ano po yung ruta ng unang paglalayag ng isang galyon mula sevilla hanggang acapulco at nagtapos sa maynila?

Anonymous said...

thanks po..sa nbigay na information mrami po akong natutunan.. :)

Anonymous said...

kamsahaeyo chingu^^

mae said...

Ganda ng website na ito..

Anonymous said...

I lost my heart
My home is the ocean
The waves underneath
Will soon be my home
I will fall asleep

Anonymous said...

thank you

czarina said...

thanks.....




i finally finished my project!!

Anonymous said...

marami pong salamat nagawa ko na ang assignment ko...

Anonymous said...

Awssssssss...nagulat ako bat naririnig ko ang music ng FIRST LOVE/ TRAFFIC LIGHTS.

Sobrang halaga ng music na ito sa akin. hays

salamat sa may ari ng site na ito, yan ang napili mo.

Traff?!? Mahal kita. Mahal na mahal. ----->hAed

Anonymous said...

Mahusay!

Anonymous said...

itanong mo kay jose rizal

cathy said...

thanks . job well done for my report

Anonymous said...

tnx ^^

Anonymous said...

thanks ^^

Anonymous said...

salamat sana makapasa ako bukas sa peridical test

Unknown on September 5, 2013 at 4:16 AM said...

tahahhaaaaa

Anonymous said...

thanks po..but i have a question ano ang epekto ng kalakalang galyon sa pagkabuo ng kamalayang pambansa

Unknown on February 1, 2022 at 11:39 PM said...

gud afternoon, ask lng magkanong halaga ang tinatanggap ng pilipinas noon
mula sa hari ng espanya

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved