Wednesday, December 16, 2009

Suring Pelikula(Ang pagdadalaga ni maximo oliveros)


Ang pagdadalaga ni maximo oliveros



I.Direksyon



Si direk Auraeus Solito ay naiiba sa ibang mga director dahil ang kanyang mga pelikula ay mga naiiba katulad nalamang ng pelikulang ito. Kahit na naiiba ang istorya nito hindi naman nalalayo sa totoong buhay. Ang pelikulang ito ay nagkamit ng 19 na parangal at 14 nomination sa iba;t ibang division kaya hindi mapapagkailangan ang pelikulang ito ay nabigyan ng magandang direksyo.



II. Istoryang Pampelikula



ang istoryang ito ay tungkol sa isang mahirap bakla na umibig at nagkagusto sa isang pulis ngunit pilit itong hinahadlangan dahil sa bawal ito dahil ang mga kapatid ni maximo ay mga criminal. Kaya hindi ito maari kung magustuhan man siya nito ay mahuhuli ang kanyang mga kapatid.



Sumasalamin ang pelikula sa katotohanang nangyayari sa tao. Lalo na sa mga nakatira sa squatters area. Ang iba’y nagiging masama dahil sa kapaligiran ngunit maaari parin naman syang magbago. Dapat tanggapin natin ang isang tao kahit ano pa man ang kasarian niya.



II.Pagganap



Maximo Oliveros – bida, 12 yrs. Old na bading ngunit matulungin sa tao.


Bogz Oliveros- kuya ni Maximo. Nakulong dahil sa kasong murder.


Boy Oliveros- Panganay na kapatid ni Maximo. Nakapatay ng dalagitang estudyante.


Victor Perez- police na nagligtas kay Maximo nang tangka na syang gahasain. Nagustuhan ni Maximo.


Hepe Dominguez- nakapatay sa tatay ni Maximo.Ama ni Maximo- nagtitinda ng nakaw na cellphone.



Nathan Lopez ... Maxi Soliman Cruz ... Paco J.R. Valentin ... Victor Neil Ryan Sese ... Boy



Ping Medina ... Bogs Bodjie Pascua ... New Sergeant


Nandito rin sina


Elmo Redrico ... Sarge Ivan Camacho ... Art Lucito Lopez ... PulisSir Jett Desalesa ... Leslie - Maxi’s friend Anastacio Cruz ... Nar - Maxi’s friend Raychell Torre ... Monique - Maxi’s friend Peter Anthony Tombasa ... Peter - Maxi’s friend



III.Sinematograpiya



Maganda ang pagkakalapat ng mga liwanag/dilim ngunit di konagustuhan ang pinangyarihan dahil puro squatter ang mga bahay, madumi at magulo.



ILAW –madilim at wala sa ayos ang mga ilaw nito


ANGGULO- Nasa tama naman ang mga anggulo ng camera


DAMIT- ang damit ng mga gumanap dito ay simple at medyo madumi dahil siguro sa kanilang set. Pero tumugma naman ito sa pelikula.




V. Disenyong Pamproduksyon



Naging angkop ang mga kagamitan, tanawin at iba pa sa ginawang pelikula.



VI. Editing


Maayos ang pagkaka-edit sa pelikula. Sa tingin ko naman walang pinutol sa pelikula. Ngunit ang ilang mga malalaswang parte ay dapat na di sinali sa pag-editBuod



VII. Musikal Iskoring



Nakatulong ang paglalapat ng mga tunog dahil mas pinaganda nito ang pelikula.



VIII. Paglapat ng Tunog



Maayos naman at maganda ang mga pagkakalapat ng mga tunog angkop naman ito sa pelikula at malaki ang naitulong nito upang mas lalong gumanda ang pelikula.



IX. Buod


Si Maximo Oliveros ay isang 12 taong gulang na kabilang sa third sex. Sa kabila nito sya’y masiyahin at matulungin sa lahat. Mahal na mahal sya ng kanyang pamilya kahit na isa syang bakla. Matagal na ring patay ang kanyang ina. Ang kanyang ama ay nagtitinda ng nakaw na cellphone ngunit mabuti itong ama sa tingin ni Maximo.Ang kuya Boy na ang panganay sa kanila. Wala itong kinatatakutan at hindi rin sya marunong magdasal ngunit lagi nyang pinoprotektahan si Maximo. Ang kuya Bogz naman ng ay parang adik dahil sa haba ng buhok, hikaw sa tenga at sa mga tattoo sa braso. Mahilig rin nyang lokohin ang mga dalaga sa kanilang barangay.Mahilig manood ng sine si Maximo. Nanonood sya sa maliit ng kwarto na para ring cinema house at nagbabayad din sila doon. Kasama nya ang mga kaibigan nya. Iyon nga lang pirated CD’s ang ipinapalabas. Isang araw ang mga kaibigang bakla ni Maximo ay nagkaroon ng kunwaring beauty contest. Pumunta sila sa bahay ng isa nilang kaibigan at nanghiram ng mga costumes.Rumampa sila na suot ang mga damit. Umarte sila na parang nasa isang beauty contest. Noong nasa question & answer portion na, na may tanong na: “Para sa’yo ano ang love?” Hindi iyon masagot ni Maximo dahil hindi pa nya iyon nararanasan. Nagpaalam na sya sa kanyang mga kaibigan gabi narin kasi noon. Habang sa daan muntikan na ma-rape si Maximo buti na lang at dumating si Police-of-Officer Victor Perez. Pinasan nya si Maximo hanggang sa bahay nito. May kung anong naramdaman si Maximo sa nangyari. Hinatid ng pulis si Maximo sa bahay nito. Kinabukasan dinalhan ni Maximo si Victor ng pananghalian sa police station. Simula noon lagi nang dinadalhan ni Maximo si Victor ng pananghalian.Lagi ring pumupunta si Maximo sa bahay ni Victor. Isang pumunta sina Victor at ang ilang kasama nitong pulis upang hulihin ang drug pusher sa barangay ni Maximo. Pinigil sila ng tatay ni Maximo at sinabing “Magkano ang halaga upang pakawalan nyo ang lalaking ito” Tumanggi si Victor at hinuli parin ang lalaki. Walang nagawa ang tatay ni Maximo. Naging malapit ang pamilya ni Maximo kay Victor. Minsan iniimbitahan pa ng tatay ni Maximo si Victor upang uminom sa kanila.Dati iyon simula nang masangkot ang kuya Boy ni Maximo sa pagpatay ng isang estudyante at nakita pa ni Victor ang damit na sinusunog ni Maximo. Nagkaroon ng lama tang pagkakaibigan ni Victor at ng pamilya ni Maximo. Binugbog ng tatay ni Maximo nang nalaman nya na si Boy ang pumatay sa estudyante. Pinagtatago nya ito sa bahay ng tiyahin nya.Binugbog nina Bogz at ng tatay nito si Victor upang din a matuloy ang paghuli kay Boy. Dinala ni Maximo si Victor sa bahay nito at nilinisan ang sugat binihisan at binantayan magdamag. Kinabukasan pinagluto nya si Victor ng umagahan ngunit wala parin itong kibo. Umalis ng bahay ang tatay ni Maximo upang katagpuin si Hepe Dominguez. Di inaasahang binaril ni Hepe Dominguez ang tatay ni Maximo at agad itong namatay.Nakita ito ni Boy. Wala syang nagawa kundi ang malungkot sa nangyari. Umiyak si Maximo sa nangyari sa pinakamamahal na ama. Dinalaw nila si Bogz sa kulungan dahil nasangkot rin sya isang patayan. Sa nalamang masamang balita nagwala si Bogz sa loob ng selda. Nakalaya na si Bogz at gusting gantihan ang pumatay sa tatay nila. Iniwan nila si Maximo sa bahay mag-isa. Ilang saglit ay bumalik sila sa bahay at nagbagong buhay na.Nagsimula na ulit na mag-aral ni Maximo. Naging mabuting kapatid na rin sina Boy at Bogz. Sa kabila ng pagkamatay ng mga magulang ni Maximo masaya parin sya. Pinipilit na nyang maging tunay na lalaki.



X. Aral O mensahe


Hindi masama ang umibig ilagay lang ito sa tama.

14 comments:

veronica jane cuaton said...

napaka ganda ng penikulang ito.talagang kapupulutan ng aral ng mga kabataan ngayon.humahanga ako sa direktor at pati na din sa mga gumanap,dahil nakapag tala sila ng ganitong pelikulang dapat lang talaga ay hangaan :)))

Unknown on February 2, 2013 at 6:16 AM said...

:) .

thies said...

Thanks po..nasagot into ang assignment ko.. :))

Anonymous said...

sakto sa project :)

Anonymous said...

Salamat nga pala sa inyo kung hndi dahil sainyo hndi ako makakagraduate salamat talga i love you <3

Anonymous said...

wala bang kulturang inilalahad

Anonymous said...

salamat po sa gumawa po nito. Nagkaroon ako ng assignment.

Anonymous said...

its nice

Anonymous said...

Ulol!

Unknown on October 15, 2018 at 5:59 AM said...

thank you mwa mwa tsup tsup

Unknown on December 6, 2018 at 6:16 AM said...

Wala po bang konklusyon?

Unknown on December 10, 2020 at 3:43 PM said...

Saan po yung mga tagpuan?

Anonymous said...

yung tagpuan ako haha

Anonymous said...

Iloveyoutoo hahaaha

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved